Hindi sya sobrang gwapo, pero wala akong pakialam. Hindi rin naman sya pangit dahil may mga nagkakagusto rin naman sa kanyang mga babae. Dati nga, nung una ko syang nakita, I found him cute pero ngayon gwapo na sya para sa akin dahil awesome ang personality nya. Well, hindi naman ako dapat sa looks nya nag-fofocus or tumitingin. Ang pangit naman kasing isipin na nagustuhan ko lang sya dahil gwapo sya, matangkad, maputi, makinis atbp. Right?
As of the moment, I want him to be my sole inspiration to become a better person and to do good. Bakit? Because he is just so amazing. Di ko sinasabing dapat kayong mag-agree sa akin pero dapat talaga. HAHAHAHAHAHAHA. An ideal guy indeed! But then ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya dahil baka hindi na nya ako pansinin at magkaroon lang ng awkward moment sa pagitan namin.
Sya yung tipo ng lalaki na unang tingin mo pa lang, masasabi mo nang matino. Angelic kasi ang itsura nya at pag nakasama mo, parang iisipin mo na hindi sya marunong gumawa ng masama. Mukha syang ☺MATALINO, which happens to be real naman talaga dahil bukod sa scholar sya, ehh lagi syang Dean's lister (according to my most reliable sources). Sobrang ☺MABAIT din sya dahil hindi ko pa sya nakikitang nanlalait, nang-aapi or even nakikipag-away sa kahit kanino. ☺FRIENDLY. Proven ko yan dahil kahit hindi naman kami gaanong magkakilala, hindi nya ako sinusungitan.☺WALANG BISYO, dahil bukod siguro sa pag-aaral wala na syang ibang inaatupag. HIndi ko sya nakitang nanigarilyo ni isang beses o kahit nag-dota man lang. ☺RESPONSIBLE & DEDICATED dahil student leader sya at nakita ko kung gaano sya ka-active sa org nya. Tumutulong sya kung kinakailangan at sobrang approachable rin nya. Wala pa akong na-eencounter na taong nakapagsabi na mayabang sya, madamot, tamad at kung anu-ano pa. Lahat ng tatanungin ko pare-pareho lang ang sinasabi na kesyo mabait sya, matalino.... basta puro positive!
At ang pinaka gusto ko sa kanya e, ☺WALA SYANG HILIG SA BABAE. Paano ko nasabi? Dahil hindi sya flirt na tao. May mga lalaki kasing pag nalaman na gusto mo ehh lalandiin ka agad or kakaibiganin ka ora mismo, sya HINDI. In fact, NGSB sya. As in hindi pa sya nagkakaroon ng girlfriend........ ever! Just in case na ma-in love sya, gusto ko sa akin na. Bagay naman kami kasi NBSB ako bale dun pa lang, meant-to-be na. HAHAHAHAHA. Joke! Busy lang siguro sya sa pag-aaral at nawalan na sya ng panahon sa mga ganyang bagay. Impressive, right? ☺☺☺☺☺
He is way better than those guys na puro pagpapaPOGI lang ang alam. Yung mga lalaking puro pambobola lang nag inaatupag na akala nila sobrang nakakagwapo ang pagbubulakbol. Yung mga lalaking ang akala eh kagwapuhan lang ang importante sa mundo. Nakakaawa! Mga lalaking hindi ko alam kung may mabuting future. Mabuti sana kung pinanganak silang nagpapawis ng ginto dahil kahit hindi na sila mag-aral, secured na ng kayamanan ang buhay nila sa hinaharap. Kaso hindi ehh dahil una sa lahat walang ganun at pangalawa, sa fictional works lang nag-eexist yun. Kaya nga hands down ako sa kanya dahil sa kabutihang palad, hindi sya napasama sa mga lalaking ganun.
He has this certain effect on me na hindi ko ma-explain. Hindi ko pa nga sya nakakausap ng mej matagal kaya how could this feel so real? He has that SOMETHING that I couldn't get enough of. Rapid heart beating, uneasiness, butterflies in the tummy, everything! I can feel it. All the signs are there but is this really possible? Could I really feel something like this towards a person na ni minsan, hindi ko pa nakasamang tumawa, magkwentuhan o kahit anong bonding scenes na pwedeng ma-imagine mo. Ewan ko ba! He seems really that special..................................................different. ♥
By the way, he is D.E.U.A.
-Rhm👑
No comments:
Post a Comment